Monday, August 13, 2012

Mga Mapa Ayon sa Gamit


Outline Map

Ang outline map ay nagpapakita ng hugis at pagkakaayos ng bahaging lupa at tubig ng isang lugar.

Mapang Politikal (Political Map)

Mapang Politikal (Political Map) naglalarawan ng mga hangganan , kabisera o kapitolyo, at lalawigan ng isang lugar.

Mapang Pangkabuhayan (Economic o Resource Map)

Nagpapakita ng pinagkukunan yaman at mga produkto sa isang lugar.

Mapang Pisikal (Physical Map)

Naglalarawan ng ibat-ibang anyong lupa at anyong tubig , upang malaman ang pisikal na anyo ng Pilipinas.

Mapa ng Daan (Vicinity o Road Map)

Ito ay madalas na ginagamit ng mga turista. Ipinakikita dito ang mga kalsada at ang mga maaring ruta o daan patungo sa isang lugar. Ginagamit tio kung bago sa isang lugar ang isang tao o hindi niya kabisado ang daan patungo sa kanyang pupuntahan.

Mapang Pangklima (Climate Map)

Ipinakikita dito kung anong uri ng klima ang nararanasan sa isang lugar. Ito ang mapang ginagamit ng (PAGASA) Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration.

Mapang Demograpiko ( Demographic Map)

Ipinpakita dito ang pagkakabahagi ng populasyon sa isag lugar o bansa. Ang populasyon ay tumutukoy sa dami o bilang ng taong naninirahan sa isang pook.

Mapa ng Asia ( Asia Map)

Ipnapakita dito ang kontinente kung saan matatagpuan ang Pilipinas. Makikita dito ang nakapligid na bansa at karagatan sa bawat lugar o bansa. Ans mapa ng Asia ay mahalaga sa pag-aaral ng bawat Pilipino upang malaman nila ang lokasyon ng ating bansa sa Asia.

Mapa ng Daigdig ( World Map)

Naglalarawan ng kontinente at karagatan sa ating daigdig. Malalaman dito ang eksaktong lokasyon ng isang bansa sa pamamagitan ng mga guhit latitud at guhit longhitud. Ang mapang ito ay ginagamit ng mga sa mandaragat at mga mag-aaral ng nabigasyon.

Philippine Islands are located within the latitude and longitude of

13° 00 N, 122° 00 E.

Philippines are located in the northern hemisphere. It is located in the southeastern coast of Asia.


LocationsLatitudeLongitude
Agusan09°00'N125°30'E
Angeles15°09'N120°33'E
Aparri18°22'N121°38'E
Apo, Mt.,06°53'N125°14'E
Babuyan Chan.,18°40'N121°30'E
Bacarra18°15'N120°37'E
Bacolod10°40'N122°57'E
Baganga07°34'N126°33'E
Baguio16°26'N120°34'E
Balabac I.,08°00'N117°00'E
Baler15°46'N121°34'E
Balimbing05°05'N119°58'E
Bangued17°40'N120°37'E
Basilan I.06°35'N122°00'E
Basilan Stre.06°50'N122°00'E
Bataan14°40'N120°25'E
Batac18°03'N120°34'E
Batangas13°35'N121°10'E
Baybay10°40'N124°55'E
Bayombong16°30'N121°10'E
Binalbagan10°12'N122°50'E
Bogo11°03'N124°00'E
Bohol09°50'N124°10'E
Bohol Sea09°00'N124°00'E
Bontoc17°07'N120°58'E
Borongan11°37'N125°26'E
Bugsuk08°15'N117°15'E
Bulan12°40'N123°52'E
Buliluyan, C.08°20'N117°15'E
Burias I.12°55'N123°05'E
Busuanga I.12°10'N120°00'E
Butuan08°57'N125°33'E
Cabanatuan15°30'N120°58'E
Cadiz10°57'N123°15'E
Cagayan de Oro08°30'N124°40'E
Cagayan Is.09°40'N121°16'E
Calamian Group11°50'N119°55'E
Calapan13°25'N121°07'E
Calauag13°55'N122°15'E
Calavite, C.13°26'N120°20'E
Calbayog12°04'N124°38'E
Camiguin I.18°56'N121°55'E
Casiguran16°22'N122°07'E
Catanduanes13°50'N124°20'E
Catarman12°28'N124°35'E
Cateel07°47'N126°24'E
Cavite14°29'N120°55'E
Cebu10°18'N123°54'E
Claveria18°37'N121°04'E
Cotabato07°14'N124°15'E
Culion11°54'N119°58'E
Cuyo10°50'N121°05'E
Daet14°02'N122°55'E
Dagupan16°03'N120°20'E
Datu Plang07°02'N124°30'E
Davao07°00'N125°40'E
Davag G.06°30'N125°48'E
Digos06°45'N125°20'E
Dinagat10°10'N125°40'E
Dipolog08°36'N123°20'E
Dumaguete09°17'N123°15'E
Dumaran10°33'N119°50'E
Engano, C.18°35'N122°23'E
General MacArthur11°18'N125°28'E
General Santos06°05'N125°14'E
Guimaras10°35'N122°37'E
Guiuan11°05'N125°55'E
Halcon13°00'N121°30'E
Hijo / Tagum07°33'N125°53'E
Iba15°22'N120°00'E
Ilagan17°07'N121°53'E
Iligan08°12'N124°13'E
Illana B.07°35'N123°45'E
Iloilo10°45'N122°33'E
Imuruan B.10°40'N119°10'E
Isabela06°40'N121°59'E
Jolo06°00'N121°00'E
Kabasalan07°47'N122°44'E
Kalibo11°43'N122°22'E
Kiamba06°02'N124°46'E
Koronadal06°12'N125°01'E
Lagonoy G.13°35'N123°50'E
LocationsLatitudeLongitude
Hiyyon, N.30°25'N35°10'E
Lamon B.14°30'N122°20'E
Laoag18°07'N120°34'E
Laoang12°32'N125°08'E
Lebak06°32'N124°05'E
Leyte, Phil11°0'N125°0'E
Lianga, Phil08°38'N126°06'E
Liloy08°04'N122°39'E
Lingayen16°01'N120°14'E
Lingayen, G.16°10'N120°15'E
Lipa13°57'N121°10'E
Lubana Is.13°50'N120°12'E
Lucena13°56'N121°37'E
Luzon16°0'N121°0'E
Madre Sierra17°0'N122°0'E
Mainit, L.09°31'N125°30'E
Malaybalay08°05'N125°07'E
Malolos14°50'N120°49'E
Mamburao13°13'N120°39'E
Mandaue10°20'N123°56'E
Manila14°.40'N121°03'E
Manila B.14°40'N120°35'E
Marinduque13°25'N122°0'E
Masbate12°21'N123°36'E
Mati06°55'N126°15'E
Mayon Volcano13°15'N123°41'E
mindanao08°0'N125°0'E
Mindano Sea / Bohol Sea09°0'N124°0'E
Mindoro13°0'N121°0'E
Mindoro Str.13°0'N121°0'E
Moro G.06°30'N123°0'E
Naga13°38'N123°15'E
Negros09°30'N122°40'E
Olongapo14°50'N120°18'E
Oras12°09'N125°28'E
Ormoc11°0'N124°37'E
Oroquieta08°32'N123°44'E
Ozamiz08°15'N123°50'E
Pagadian07°55'N123°30'E
Pananan17°08'N122°29'E
Palanan Pt.17°17'N122°30'E
Palawan09°30'N118°30'E
Panay11°10'N122°30'E
Panay G.11°0'N122°30'E
Pandan11°45'N122°10'E
Pangutaran Group06°18'N120°34'E
Parang Maguindanao07°23'N124°16'E
Parang Sulu05°55'N120°54'E
Pinatubo Mt.15°08'N120°21'E
Polillo Is.14°56'N122°0'E
Pototan10°54'N122°38'E
Puerto Princesa09°46'N118°45'E
Pulog Mt.16°40'N120°50'E
Quezon City14°38'N121°0'E
Romblon12°33'N122°17'E
Roxas11°36'N122°49'E
Sablayan29°53'N93°51'W
Samales Group6°0'N122°0'E
Samar12°0'N125°0'E
San Agustin c.6°20'N126°13'E
San Bernardino Str.13°0'N125°0'E
Santa Cruz14°20'N121°24'E
Semirara Is.21°0'N121°20'E
Sindangan8°10'N123°5'E
Siocon7°40'N122°10'E
Siquijor9°12'N123°35'E
Sorsogon13°0'N124°0'E
Tabaco13°22'N123°44'E
Tablas I.12°25'N122°2'E
Tacloban11°15'N124°58'E
Tandag9°4'N126°9'E
Tanjay9°30'N123°5'E
Tanjung2°10'S115°25'E
Tapul Group5°35'N120°50'E
Tarlac15°29'N120°35'E
Taytay10°45'N119°30'E
Tinaca Pt.5°30'N125°25'E
Tuao17°55'N121°22'E
Tuguegarao17°35'N121°42'E
Vigan17°35'N120°28'E
Virac13°30'N124°20'E
Visayan Sea11°30'N123°30'E
Yog Pt14°6'N124°12'E

Kayarian ng Salita


Kayarian ng Salita

1. Payak - ang salitang bibubuo lamang salitang ugat.

2. Maylapi - ang salita kapag binubuo ng salitang ugat at
panglapi.

3.Inuulit - ang salita kung ang kabuuan o bahagi nito ay inuulit.

2 uri ng inuulit

a. pag-uulit na ganap - kapag buong salita ang inuulit.
bato-bato
araw-araw
gabi-gabi

b. pag-uuli na di ganap - kapag ang bahagi lamang ng salita ang inuulit isang salita.
pira-piraso
anak-anakan
away-awayan

4. Tamabalan -ang dalawang pinagsama para makabuo ng

2 uri ng tambalan

a. tambalang di ganap- ang tamabalang kapag kapag ang kahugan ng salitang pinagtambalay nananatili. ang tambalang ganap ay ginagamitan ng gitling.

b. tamabalanag ganap - ang tambalan kapag nakabubuo ng kahulugang iba sa kahulugan ng dalawang salitang pinagtambal, di ito ginagamitan ng gitling.

Tambalang di ganap
lakbay-aral
balik-bayan
balik-eskwela
bahay-ampunan
punong-kahoy
bahay-kubo
takip-silim
lamang-lupa
silid-aralan
silid-hapagkainan
taong-gubat
bukang-liwayway

Tambalan ganap
dalagangbukid
sirangplaka
bahaghari
asalhayop
hampaslupa
anakpawis
kutonglupa
butobalat
pusongmamon
hanapbuhay
anak-araw
bantaysalakay
kapitbisig
taingangkawali
balatsibuyas
pamatiduhaw
ningas kugon
abot langit

Iba't-ibang Pangkat ng mga Pilipino


Sinu-sino ang mga taong bumubuo ng bansang Pilipinas?
Ang bansang Pilipinas ay binubuo ng mga magkakalayong pulo. Bukod dito, maraming bundok ang nakahiwalay at nakapagitan sa mga pangkat ng Pilipinong naninirahan sa Pilipinas. Dahil dito, nagkaroon ng pagkakaiba-iba sa wikain, pananampalataya, paraan ng pamumuhay, kaugalian at tradisyon ang mga tao. Bunga nito, nagkaroon ng iba't ibang pangkat ng mga Pilipino. Mauuri sila sa dalawa. Ang una ay binubuo ng mga malalaking pangkat ng mga Pilipino na naninirahan sa kapatagan at tabing-ilog. Ang ikalawang pangkat ay kinabibilangan ng mga maliliit na pangkat na karaniwang naninirahan sa mga kabundukan at mga malalayong lugar. Sila ay tinatawag na minoryang kultural. Maliit lamang ang bilang ng bawat maliliit na pangkat na ito. Sila'y namumuhay ayon sa sinaunang paraan at sa pamumuhay na kanilang kinamulatan.

Ang Malalaking Pangkat ng mga Pilipino

    Ang mga Ilocano Nagmula ang mga Ilokano sa hilagang bahagi ng Luzon. Sila ay naninirahan sa mga rehiyong matatagpuan sa mga bulubundukin na may makitid na lupang sakahan. Bunga nito, di-sapat ang pinagkukunan nila ng ikinabubuhay. Kaya naman, kilala ang mga Ilocano sa pagiging masinop, masipag, malikhain at mapagtiis. Dahil din sa kakulangan sa mga likas na yaman, marami sa kanila ang nandarayuhan sa ibang rehiyon o sa ibang bansa. Malikhain din ang mga Ilokano bunga na rin ng kakulangan sa mga materyal na bagay mula sa kanilang kapaligiran. Makikita ito sa kanilang mga produkto tulad ng burnay (mga banga, plorera at iba pang mga kagamitan mula sa luwad), hinabing tela, muwebles (mesa, upuan at kagamitang-bahay na yari sa kahoy at kawayan), tabako at iba pa.

Ang mga Pangasinense
    Ang mga Pangasinense ay naninirahan sa timog ng Hilagang Luzon. Kagaya ng mga Ilocano, naninirahan sila sa kapaligirang di-sapat ang pinagkukunan ng ikabubuhay. Sila ay masisinop, masisipag at umaasa sa sariling kakayahan. Pagsasaka ang pangunahing pinagkukunan nila ng ikinabubuhay. Kabilang sa kanilang produkto ay isda at mga produkto mula sa isda gaya ng bagoong at daing.

Ang mga Kapampangan
    Mula sa lalawigan ng Pampanga, ilang bahagi ng Tarlac at Nueva Ecija ang mga Kapampangan. Ang mga lugar na ito ay tinaguriang Gitnang Luzon na may malawak at matabang lupang sakahan. Isang dahilan ito kung bakit ang mga Kapampangan ay sagana sa pagkain at rekado. Dahil dito, mahusay at masarap silang magluto. Hindi nila suliranin ang pinagkukunang-yaman. Ang mga Kapampangan ay mahilig sa kasiyahan, pananamit at pag-aayos ng sarili.

Ang mga Tagalog
    Ang mga Tagalog ay naninirahan sa mga lalawigan ng Nueva Ecija, Bulacan, Bataan, Laguna, Rizal, Cavite, Batangas, Quezon, Marin1uque at Mindoro. Nasa gitna ng mga lalawigang ito ang Kalakhang Maynila na kinikilalang sentro ng pulitika edukasyon, kultura at kabuhayan. Mayaman ang mga lupain ng Katagalugan kaya paboritong pasyalan . ito ng mga ibang pangkat ng mga Pilipino. Ang kagandahan ng kalikasan ang dahilan kung bakit isinasabuhay ito ng mga tao sa iba't ibang anyo ng sining gaya ng paglikha ng tula, awit at iba pang anyo ng panitikan. Mataas ang pagpapahalaga ng mga Tagalog sa kanilang sarili at pamilya. Mahigpit ang pagkakabuklud-buklod ng mga kasapi ng bawat pamilya.

Ang mga Bikolano
    Matatagpuan ang mga Bikolano sa mga lalawigan ng Albay, Camarines Sur, Camarines Norte, Masbate, Sorsogon at Catanduanes. Ang tangway ng Bicol ay mayaman sa mga biyayang pangkalikasan datapwat ito ay madalas daanan ng bagyo. Ito ang pangunahing dahilan ng pagiging maingat nila sa kapaligiran. Dahilan din ito ng kanilang pagiging relihiyoso. Ipinapasa-Diyos nila ang anumang sakuna o kalamidad na dumarating sa kanilang buhay dulot ng kalikasan. Ayon sa mga pananaliksik, maraming pari at madre ang nagmula sa rehiyong ito. Mahilig sila sa mga kasiyahan at pagdiriwang na panrelihiyon bilang pasasalamat sa magandang ani. Mahilig sila sa mga pagkaing maanghang at sa mga pagkaing may gata. Ipinagmamalaki nila ang mga produkto mula sa abaka, pili, anahaw at iba pa.

Ang mga Ilonggo
    Ang mga Ilonggo ay biniyayaan ng maganda at masaganang lupain. Mayaman din ang kanilang mga anyong tubig. Dala ng likas na ganda ng kanilang lupain, ang mga Ilonggo ay kilalang romantiko, malumanay magsalita mahinahon at malambing. Naglalaan sila ng panahon ng pagliliwaliw matapos ang isang buong araw na pagtatrabaho. Magiliw sila sa mga bisita kaya lagi nilang pinipilit na bigyan ng kasiyahan ang mga ito sa bawat pagdalaw.

Ang mga Cebuano
    Kilala ang mga Cebuano sa tawag na Sugbuhanon o Sibuhanon. Naninirahan sila sa Kalakhang Cebu, mga kalapit na lalawigan, kabilang na ang malaking bahagi ng Mindanao. Kaya naman, ang mga Cebuano ang may pinakamalaking bilang ng pangkat-Pilipino. Pumapangalawa sa kanila ang mga Tagalog. Mahilig silang makipagsapalaran sa lunsod. Sa katunayan, marami sa kanila ang matatagpuan sa iba't ibang panig ng bansa. Karamihan din sa kanila ay mga Katoliko. Hindi ba't ang Cebu ang naging unang pamayanang Kastila sa Pilipinas? Ang mga Cebuano ang unang nahikayat ng mga Kastila na maging Katoliko.

Ang mga Waray
    Ang mga Waray ay nagmula sa mga pulo ng Samar at Leyte. Sagana sa mga yamang-lupa at yamang-dagat ang kanilang Lugar. Subalit, madalas daanan ng bagyo ang kanilang lugar na nagbubunga ng pagkasira ng kanilang mga ari-arian. Bunga nito, ang mga Waray ay masisinop, may payak na pamumuhay at may matatag na kalooban sa mga pagsubok sa buhay. Sila ay matiisin at di maluho sa buhay.

Ang mga Muslim
    Ang mga Muslim na Pilipino ay mula sa iba't ibang lalawigan ng Mindanao. Kilalang- kilala sila sa katapangan kaya hindi nasakop ng mga dayuhan ang kanilang lupain. Tapat sila sa kanilang binitawang salita. Labis ang pagpapahalaga nila sa mga kautusan mula sa Koran, ang kanilang Banal na Aklat.

Ang mga Pangkat-Minorya
    Kilalanin ang mga pangkat-minorya. Maraming mga pagbabago ang nagaganap sa Pilipinas. Sa kabila ng mga pagbabagong ito, mayroon pa ring maliit na bahagi ng ating populasyon na nananatili sa sinaunang tradisyon, kultura, paniniwala at paraan ng pamumuhay. Sila ang mga katutubo o ang mga pangkat-minorya. Maliit lamang ang kanilang kabuuang bilang. Kilala rin sila bilang minoryang kultural sapagkat napanatili nila ang kinagisnan nilang kultura.

Humigit-kumulang sa 60 pangkat-etniko ang matatagpuan sa ating bansa. Narito ang Ilan sa kanila.

Ang mga Ifugao
    Naninirahan sa mga lalawigan ng Ifugao at Benguet ang mga Ifugao. Sila ay matatalino at matitiyaga. Pinatunayan ito ng kanilang nilikhang pay-yo o ang hagdan-hagdang palayan sa Banaue. Sila ay masisipag. Nabubuhay sila sa pagsasaka, paglililok ng mga kasangkapang kahoy at paghahabi ng bulak at kapok upang gawing kumot, bahag at damit. Dahil sila ay namumuhay sa kabundukang may napakalamig na klima, ang kanilang tirahan na yari sa puno ng pino at kugon ay walang bintana. Matatapang din sila. Buong tapang nilang ipinagtanggol ang kanilang lupain laban sa mga Kastila.

Ang mga Bontoc
    Matatagpuan sa Benguet, Ifugao at Mountain Province ang mga Bontoc. Sila ay lubhang palakaibigan. Pinahahalagahan nila ang kanilang mga panauhin. Mahalaga sa kanila ang edukasyon. Marami sa kanila ang pansamantalang lumilisan upang mag-aral. Masisipag din ang mga Bontoc. Paghahalaman, paghahabi, pagmimina at paggawa ng palayok ang kanilang ikinabubuhay. Karamihan sa kanila ay tahimik ngunit mahilig sa kasiyahan.

Ang mga Kankanai
    Naninirahan sa Benguet at Mountain Province ang mga Kankanai. Hanggang ngayon, ang mga kalalakihang Kankanai ay nakabahag samantalang ang mga babae ay nagsusuot ng palingay o tapis at kaba o blusa. Mahilig din sila sa mga palamuti sa katawan. Ang Ilan sa kanila ay naglalagay ng tattoo sa iba't ibang bahagi ng katawan.

Ang mga Kalinga
    Matatagpuan din sa Benguet at Mountain Province ang mga Kalinga. Kilala sila sa kanilang katapangan. Ang kanilang mga ninuno ay handang pumatay para sa ikararangal ng kanilang tribu. Pinupugutan nila ng ulo ang kanilang mga kaaway. Pinararangalan nila ang mga taong nagmamalasakit sa kanilang pangkat. Mahilig din sila sa marangyang piging. Kapuna-puna rin ang kanilang makukulay na mga kasuotan.

Ang mga Inibaloi
    Sa Timog Benguet naninirahan ang mga Inibaloi o Ibaloi. Sila ay may matibay na pananampalataya sa mga espiritu. Sa katunayan, marami silang mga seremonya. Pagtatanim ng gulay sa dalisdis ng mga bundok ang kanilang ikinabubuhay.

Ang mga Tinggian
    Namumuhay sa mga kabundukan ng Abra at Ilocos ang mga Tinggian. Pangangaso at pagkakaingin ang kanilang ikinabubuhay. Nag-aalaga rin sila ng mga kalabaw, kabayo, baka at iba pang mga hayop. Bumababa lamang sila sa kapatagan upang makipagkalakalan. Nasa itaas ng mga puno ang kanilang mga bahay upang mapangalagaan ang kanilang sarili sa mga mababangis na hayop sa gubat.

Ang mga Isneg
    Sa Apayao naninirahan ang mga Isneg. Sila ay tahimik at magagalang. Ang kanilang pisikal na kaanyuan ay tulad ng isang karaniwang Pilipino.

Ang mga Ita o Baluga
    Matatagpuan ang mga Ita o Baluga sa mga bundok ng Zambales at Sierra Madre. Sila ay pinaniniwalaang pinagmulan ng mga Negrito. Maliliit at maiitim sila. Makakapal ang mga labi at kulot ang buhok ng mga Ita. Palabuy-laboy at wala silang permanenteng tirahan. Kung magkaroon man, ito'y yari sa pira-pirasong kahoy. mga dahon o anurnang bagay mula sa kanilang paligid. Gumagawa sila ng sibat, pana at itak na kanilang ginagarnit sa pangangaso. May ilan ding marunong magkaingin.

Ang mga Agfa
    Sa Palanan, Isabela naman naninirahan ang mga Agta. Ang kanilang mga bahay ay matatagpuan malapit sa baybayin. Tinatawag nila itong lean-to na hugis tatsulok. Ipinatutupad din nila ang kanilang mga sinaunang batas para sa kapayapaan at kaayusan. Pangingisda ang pangunahin nilang hanapbuhay ngunit marami rin sa kanila ang nangangaso at nagkakaingin.

Ang mga Ati Negros at Ati Panay
    Mula sa Kabisayaan ang mga Ati Negros at Ati Panay. Tinagurian silang mga Pintados dahil sa mga tattoo nila sa katawan. Kapuna-puna rin ang maraming hikaw at sunud-sunod na butas sa kanilang mga tainga. Maliliksi silang kumilos. Mahusay silang gumamit ng arnis at eskrima. Naniniwala rin sila sa pagbibigay ng dote o bigay-kaya sa angkan ng babaeng nililigawan.

Ang mga Mangyan
    Sa Occidental Mindoro at Oriental Mindoro naninirahan ang mga Mangyan. May iba't ibang pangkat ng mga Mangyan na matatagpuan sa mga kabundukan ng Mindoro. Kabilang dito ang mga Tao Buhid, Iraya, Hanunuo, Batangan, Ratagnon at Bangon at pangangalap ng mga. Lubha silang kahanga-hanga dahil sa angkin nilang talino. May sarili silang alpabeto na hanggang ngayon ay kanila pa ring ginagamit. Ang kanilang mga akda ay nakaukit sa mga kawayan. Ang kanilang tirahan ay yari sa kahoy, kawayan at damo. Pagsasaka, pangangaso at pangangalap ng pagkaing-gubat ang kanilang ikinabubuhay. Paminsan-minsa'y bumababa sila sa kapatagan upang makipagpalitan ng kalakal.

Ang mga Tagbanua
    Matatagpuan sa Palawan ang mga Tagbanua. Sila ay mula sa lahi ng mga Indones. Sila ay matatangkad at may matitipunong katawan. Mahahaba ang buhok ng mga kababaihan ngunit hindi ang sa mga kalalakihan. Palay ang pangunahin nilang produkto. Mula rito, gumagawa sila ng alak. Marami silang mga gawaing panrelihiyon. Kabilang dito ang seremonya sa pagpapasalamat sa masaganang ani. Iginagalang din nila ang mga tagapamagitan sa espiritu o babaylan.

Ang mga Maranao
    Mula sa Lanao del Sur at Misamis Oriental ang mga Maranao. Kilala sila sa pagiging matatapang. Handa nilang ipagtanggol ang kanilang lupain. Masining at malikhain din sila. Kahanga-hanga ang mga disenyong ukit nila sa kahoy at maging ang mga gamit na yari sa tanso at pilak. Mahuhusay silang maghabi, lalung-lalo na ng mga makukulay na malong. Pangingisda at pagsasaka ang kanilang ikinabubuhay.

Ang mga Tausug
    Naninirahan ang mga Tausug sa Basilan, Zamboanga, Tawi-Tawi at Sulu. Labis ang kanilang pagpapahalaga sa katayuang panlipunan. Matatapang sila at handang ipagtanggol ang kanilang paniniwala. Hindi gaanong mahalaga sa kanila ang edukasyon ngunit lubos naman ang kanilang pagmamalaki sa kanilang mga tradisyon. Marami silang mga instrumentong pangmusika. May mga awit at sayaw sila para sa pagdiriwang na panrelihiyon. Pangingisda at paninisid ng perlas ang pangunahin nilang gawain. Dahil dito, tinawag silang tausug o tao ng agos.


Ang mga Badjao
    Mula sa Tawi-Tawi at Sulu ang mga Badjao. Sila ay kilala bilang mga hitanong dagat o Sea Gypsies.Naninirahan sila sa mga bangkang- bahay. Gaya ng mga Tausug, pangingisda at paninisid ng perlas ang kanilang ikinabubuhay.

Ang mga Manobo
    Sa Agusan naninirahan ang mga Manobo. Sila ay mahilig sa makukulay na kasuotan. Naglalagayan din ng tattoo sa buong katawan ang mga kalalakihan. Ang mga babae naman ay naglalagay ng tattoo sa binti at sakong. Mahihilig sila sa mga palamuti na yari sa buto ng halaman, mga kabibe at mga ngipin ng buwaya. Paborito rin nila ang nganga.

Ang mga Tiruray
    Matatagpuan sa Timog Cotabato ang mga Tiruray. Sila ay lubhang mahiyain. Hindi sila lubusang matatapang. Naniniwala pa rin sila sa kasalang ipinagkakasundo ng mga magulang.

Ang mga T'boli
    Mula sa Sarangani ang mga T'boli. Maayos sila sa sarili at sa tahanan. Marami silang kaalaman sa pag- papaganda gaya ng pagpupulbos ng apog sa pisngi at pagpapapula ng labi sa pamarnagitan ng isang uri ng bunga. Mahilig silang magsuot ng hikaw, singsing at pulseras sa braso. Ang kanilang tahanan ay may patulis na bubong at may iisang silid. Pagtatanim ng mga gulay at bungangkahoy sa paligid ng bahay ang kanilang ikinabubuhay.

Saturday, August 4, 2012

Walang Ganiyanan


» Declamation


Walang Ganiyanan
Alison Madamdamin

Sige, isisi mo lahat sa pamahalaan
Wala ka ba talagang ginawang kasalanan?
Iisang presidente, milyon-milyong katao
Iisang bansa, pero iba’t ibang reklamo!

Aasahan nalang ba natin ang namumuno?
Tumingin ka sa salamin, tignan mo ang sarili mo;
Wala ka bang bakas ng katamaran?
May nagawa ka na ba para sa lupang sinilangan?

Kung nakikita na nating may mali sa paligid,
Ano pang silbi natin at tayo’y may paa’t kamay?
Palibhasa’y ang sandata’y galaw ng bibig,
Bulag ang mata; kita lang ang hirap ng buhay!

Ito mismong pagdakdak ang walang tinutunguhan,
Pagkatapos non, ano na?
Tapos na ang gawain mo bilang mamamayan?
Ang galing nga naman ng tinuturo sa kabataan!

Tititigan nalang ba natin ang ginagawa nila?
Hihintayin nalang ba natin ang pagbabago?
‘Wag kang tumunganga diyan, kumilos ka!
‘Wag ganiyan at meron pang pagasa.

Luha


» Declamation


Luha
ni Rufino Alejandro

Daloy, aking luha… daloy aking luha, sa gabing malalim, sa iyong pag-agos, inanod mo lamang ang aking damdamin,

Hugasan ang puso – yaring abang pusong luray sa hilahil,

Nang gumaan-gaan ang pinapasan ko na libong tiisin!

Nang ako’y musmos pa at bagong nunukad yaring kaisipan,

May biling ganito si Ama’t si Ina bago sumahukay: “Bunso, kaiingat sa iyong paglakad sa landas ng buhay,

Ang ikaw’y mabuyo sa gawang masama’y dapat mong iwasan.”

Nang ako’y lumaki, ang pahat kong isip ay biglang nagpakpak

Ng kapalalua’t ang aral ni Ama’t ni Ina’y hinamak;

Sa maalong dagat ng buhay sa mundo’y nag-isang lumayag,

Iniwan sa pampang ang timbulang baon na aking tinanggap!

Malayang tumungga sa sarong may lason ng kaligayahan na nitong huli na’y saka nakilalang alak na nanatay!

Ang pinagbataya’y dapat magpasasa sa kasalukuya’t

Isang “Bahala na!” ang tanging inyukol sa kinabukasan!

Kaya naman ngayon sa katandaan ko ay walang nalabi kundi ang lasapin ang dita ng isang huling pagsisisi;

Tumangis sa labi ng sariling hukay ng pagkaduhagi’t iluha ang aking palad na nasapit na napakaapi!

Daloy, aking luha… dumaloy ka ngayon at iyong hugasan ang pusong nabagbag sa pakikibaka sa dagat ng buhay; inanod ang dusang dulot ng tinamong mga kabiguan,

Nang yaring hirap ko’t susun-susong sakit ay gumaan-gaan!

Daloy, aking luha… dumaloy ka, dumaloy ka…!

Magsisi man ako ay huli na…

Ang panahong nawaglit ay din a maibabalik!

Kaya mga kabataan, huwag nyong tularan ang aking karanasang

Ang kinahantungan ay kapighatian…

Kapighatiang patuloy kong pinagsisisihan!

Daloy aking luha, dumaloy ka…

Ito ang bayan ko


» Declamation


Ito ang bayan ko

Ito ang bayan ko:
Pitong libong pulong kupkop ng Bathala,
ngunit dinuhagi at sinamantala ng mga banyaga;

Lipi ng magiting na mapaghimagsik ang puso at diwa,
Unang Republikang sa dulong silanga’y nagtamo ng laya;
Ito ang bayan ko: sumilang sa dugo’t nabuhay sa luha
At pinagsawaan ng lahat ng biro’t hampas ng tadhana!

Ito ang bayan ko:
Dagatan, lupaing may sapat na lawak, bundok na mamina,
Bukiring matanim at maisdang dagat…

Sa lahat ng itong alay ng Bathala ay nagging marapat at maituturing na lupang hinirang at lubhang mapalad…
Ditto, ang ligaya sa lahat ng dako’y biyayang laganap,
Ngunit kailangang dukali’t hukayin ng sikhay at sipag.

Ito ang bayan ko:
Pinanday sa dusa ng mga dantaon, hinampas ng bagyo,
Nilunod ng baha, niyanig ng lindol;

Dinalaw ng salot, tinupok ng poot ng digmaang maapoy,
Sinakop ng Prayle, inagaw ng Kano, dinahas ng Hapon;
Ngunit patuloy ring ito ang bayan ko nakatindig ngayon,
Sa bawat banyaga’y magiliw ang bating “Kayo po’y magtuloy.”

Ito ang bayan ko:
Puso ma’y sugatan ay bakal ang dibdib,
Bawa’t naraana’y isang karanasa’t isang pagtitiis…
Ito ang bayan ko

Taas-noo ngayon sa pakikiharap sa buong daigdig, sapagkat sa kanyang sikap na sarili ay nakatindig…
Ito ang bayan ko: bunga ng nagdaang mga pagkaamis, matatag ang hakbang, patungo sa isang bukas na marikit.

Ito ang bayn ko;
Ang bayan ko’y ito.

Inang Wika


» Declamation


Inang Wika
ni Amado Hernandez

Ako’y ikakasal, sa aming tahana’y masayang-masaya: may piging, tugtugan, awitan, sayawan.

Ang aking magiging kabiyak ng buhay ay isang binatang puti, binatang sibol sa kanluran: maganda’t makisig, marunong, mayaman tila pulot-gata sa bibig ng isang mundong kaibigan.

Sa tanging sasakyan, nang kami’y lumulan, may natanaw ako sa tapat ng bahay na isang matandang babaing luhaan, waring tinatawag ang aking pangalan tila humihingi ng kaunting pagdamay; subalit sa gitna ng kaligayahan, siya ay hindi ko binati man lamang, siya ay hindi ko pinansin man lamang, habang ang sasakyan ay nagtutumulin hanggang sa simbahan.

Maligaya kaming nagsiluhod kapwa sa harap ng Birhen, sa gintong dambana; pagkasaya-saya’t ang mga kampana ay di-magkamayaw sa pagbabalita n gaming kasalan na pangmaharlika; ngunit ang larawan ng kaawa-awang matanda’y hindi ko matanggal sa diwa, mandi’y malikmata; ang nag-uunahang luha ng kandila ay tila kanya ring tumutulong luha; gayon man sa piling ng kahanga-hangang kaisang-puso ko’y niwalang-bahala, sa gitna ng tuwa’y nilimot kong pilit ang gayong hiwaga gaya ng liwanag ng buwang palaba na di masisira sa bahid ng ulap sa gabing payapa.

Natapos ang kasal, batian, kamayan, ngiting matatamis, birong maaanghang at saboy ng bigas sa ami’y salubong pagbaba sa altar… ngunit sino yaong aking natatanaw, matandang babaing nalugmok na bigla’t nawalan ng malay at lingid sa taong hindi magkamayaw. Ah! Siya rin yaong kangina’y hindi ko pinansin man lamang.

Nang saklolohan ko’t patakbong lapitan, nang kandungin ko na sa aking kandungan, ngumiting magiliw sa hapis ng kanyang pag-aagaw-buhay at saka nagwikang tigib-kapaitan: “Anak ko, bunso ko…salamat…paalam… Ako ang ina mong sawing kapalaran!”

At ang kulang-palad ay napalungayngay. Sa bisig ko na rin namatay… namatay!

Noon ko natanong ang ina kong mahal, ang Inang wika kong sa aki’y nagbigay ng lahat ng dangal, ang wikang tagalong na naiwang limot nang ako’y matanghal, at itinakwil ko sa pagtatagumpay, ay isang babaing nabuhay sa dusa’t sa lungkot namatay, nang ako’y pakasal sa Wikang Dayuhan.

Ang Bungo


» Declamation


Ang Bungo

Ikaw! Sino ka ba? Malamig na bungo, matigas na mukha. Dati kang maganda, ano ang mata mo nagkauka-uka? Dati kang marunong, ano ang noo mo nagkasira-sira? Kinakausap ka ayaw mong sumagot, ayaw magsalita, at ang katawan mo nasugpong na butong sinlamig ng tingga. Ikaw ba ang wakas ng lahat ng taong sa mundo nilikha?

Iyan ba ang matang nanglumiligaw ka, balana tiningnan? Iyan ba ang labing katugon ng ilong, balana hinagkan? Iyan ba abg tengang kung makikimatyag, lahat, pinakikinggan? Ano ka na ngayon? Nahan ang puso mo, diwa pakiramdam? Kahit na laitin, kahit na purihin, ayaw nang gumalaw. Parang sinasabing ang lahat sa mundo ay may katapusan!

Kay sarap ng buhay kung may kabuhayan at taglay ang lahat! Ibon lumilipad hanggang kalangitan kung buo ang pakpak! Tao sumasagwan hanggang karagatan kung buo ang lakas! Mundo umiinog at kumakalansing sa tugtog ng galak, ngunit ang tadhana mo kapag ang sinulid ng buhay binaltak, lahat, tao ibon kakita-kita mo butong nakatambak.

Ikaw nga, ikaw nga ang nang isang araw, itong buong mundo, ay kinakaladkad mo iyong inilipad hanggang maging iyo! Ngunit nang matapos, papuri tagumpay mo, ang natira abo. Katawang mabulas, makinis na balat, ang natira buto. Hinagkang bulaklak, sa hinalik-halik, nawalan ng bango. Bulwagang sayawan, sa sinayaw-sayaw, naging libingin mo!

Ngayon bangkay ka na, nahan ba ang iyong mga minamahal? Mga kaibigan na kasalu-salo, ano di-minasdan, at sa pagkasawi sila pa ang unang parang nagtagumpay! Matamis na ngiti, masayang papuri mahigpit na kamay, ay naging halakhak at naging paglibak, sa sawi mong bangkay! Kaydali nga namang magbago ng takbo ng sangkatauhan!

Kaya ba kung ikaw ay may nakagalit, huwag palubusin, ang gunitain mong lahat naman tayo ay namamatay din! Taong nakairap at uod sa lupa na ayaw pansinin, buti pa ang uod sa himpilang hukay, una pang darating! Ang taas ng hari lungkot ng pulubing hahali-haliling, kakita-kita mo, magkapitbahay lang, kapag nakalibing!

Bilangguan ng Hukbo


» Declamation


Bilangguan ng Hukbo

Bilanggo: piit ng malupit na kapangyarihang bihag din ng kanyang takot sa matuwid; ilang panahon nang kunulong at sukat nang sukdulang higpit: daming mga araw, ang aking asawa ay di makalapit, kawawang bunso ko ay di madampian ni isa mang halik; mga kaibigan, kasama’t kapatid, bawal ang sa aki’y makipagulayaw kahi’t ilang saglit; ibong piniit na’y walang habag pa ring pinutlan ng bagwis; mistulang salarin o isang maysakit, biglang iniligpit at itiniwalag nila sa daigdig; ang aking higaa’y tablang maligasgas at wala ni banig na iisang dangkal sa amoy-libingang simentong malamig, ang aking pagkain ay laging mapait, ang kasuotan ko ay laging limahid; ang mukha ng araw, ano bang tagal nang sa aki’y nagkait? ang luom na hangin ay singaw ng lason ang inihahatid, ang yabag ng kawal na bantay ay dinig sa gabing pusikit, ang tiktak ng oras, tila tanikalang di mapatid-patid…

Ako’y nagtitiis… A, labis at labis ang binabata kong tiisi’t hinagpis! Bakit? bakit? bakit? Walang sumasagot! walang umiimik… Ako ba’y suminsay sa batas kung kaya pinagdusang tikis? nagdaya? pumatay? nanggaga? nanggahis? nagpayaman baga sa pamumulubi ng bayan kong amis? Gising ang Bathala’t Kanyang nababatid na kung tunay akong nagkasala’y dapat purihin nang higit: kasalanan kayang magdilat ng mata’t magbuka ng bibig? kasalanan kayang magtanggol-itindig ang katotohana’t katarungang lupig ng bayang mahirap—ng dustang paggawa’t aping magbubukid? kasalanan nga bang ang buhay ng dukha’t dangal ng maliit ibangon nang buong pagmamalasakit? Laban sa tirano, di ba kabanalan ang paghihimagsik? Nguni’t hindi lihim sa kahi’t na sino: pag ang namumuno sa isang gobyerno ang unang hangarin ay pananagano sa kapangyarihan, kamanyang at gintong akibat ng trono, ulong sa putikan pupulutin bawa’t di yumukong ulo…

Ganyan ang istorya magmula kay Kristo hanggang kina Burgos, Rizal, Bonifacio, at maging nito mang itinitimpalak na malaya tao; lumuhod sa puno’t humalik ng kamay sa palalong dayo ang di mababaling tuntuni’t panuto, at pagkakasala sakaling matuto ng pangangatwiran: Itong Pilipinas ay sa Pilipino! Ako’y ikinulong ng mga kaaway ng laya’t liwanang—ng laya sa gutom, ng laya sa takot at layang mangusap, ng layang sumamba sa Bathala’t hindi sa diyos na huwad; salamat, at libong salamat… talastas kong ako’y hindi nagiisa sa ganitong hirap, talastas kong ako’y hindi magiisa sa pagkawakawak; pupuong libo, laksa, uta’t angaw ng kaisampalad na tagapagmana ng masayang Bukas; ang tahoy ng bawa’t inang naging Sisa sa dusang dinanas, ang may luhang dasal ng nagluksang balo sa asawa’t anak, ang iyak ng batang sa kasanggulan pa’y ulila nang ganap— mga walang malay na di iginalang ng bangis at dahas, ay dinig kong lahat, mabisang balsamo sa kirot ng aking kaluluwang may sugat. Ang libong nasadlak sa mga piitan na kawangis ko ring pinapagkasala’y walang kasalanan, ang laksang inusig at pinarusahan kahi’t walang sakdal ni hatol ng aling may puring hukuman, ang hindi mabilang na pinaglupitan sa bukid at nayon, sa lunsod at bayan, ang lahat ng dampa, kubo, barung-barong na nilapastangan, at ipinalamon sa apoy, pati na ng naninirahan, ang mga nalibing nang walang pangalan ni kurus man lamang, di malilimot ni malilimutan, at ang tinig nila’y abot sa pandinig ng kinabukasan.

Yaong mataimtim sa panalangin, yaong tumatangis sa gitna ng dilim ng gabing malalim, yaong sa libinga’y malimit abutin ng maputlang sinag ng mga bituin, yaong tigib-hapis ang ligaw na daing nagmula kung saang anakin ay buntonghininga ng hangin, yaong naglalamay sa parang, sa gubat at bulubundukin, supling nina Elias at Kabisang Tales ng liping magiting na sumumpang hindi magpapaumanhin sa pangaalipin; sa tahasang turing: lahat ng siniil na may karapatan at nasang maningil, sila’y handa’t gising at kaisanglayon ng tanang sa baya’y hindi magmamaliw, isang bansang lakas na di mapipigil, isang mundong buhay na di masusupil, siyang sasalubong sa gintong liwayway ng gintong mithiin!

Ang aking katawa’y oo nga’t bilanggo, nguni’t ang isipan at tibok ng puso ay di mangyayaring kulungin saglit man ng bakal o ginto; ang pananalig ko sa malayong kuro, kasama ng hangin at sikat ng araw sa lalong malayo; sa huni ng ibon, sa sigaw ng alon at angil ng punlo, sa tutol ng madla sa lahat ng utos na buktot at liko, sa sumpa ng tao sa kawalang-budhi ng masamang puno, ay nakikisaliw ang aking kalulwang walang pagkahapo, hanggang sa makamtan ng bayan ang taal na lupang pangako— at kahi’t na nila kitlin ang buhay ko’t biyakin ang bungo, sa bungo ko’y buong nakalimbag pa rin sa sariwang dugo;

“Pilipino akong sa pambubusabos ay hindi susuko!”

Anakpawis


» Declamation

Isang tao, munting taong kaharia’y nasa bukid,
May maliit na bakurang abot-tanaw ng silahis;
Nagtatanod – isang kubong kabahaya’y tila langit;
Ang libangan, halamanang sa looba’y nagtatalik;
Sa maghapon, ang kawaksi’y ang sariling mga bisig…
Munting tao, hamak lamang – iyan ako, anakpawis.

Sa kalapit na kaingin, diyan ako nagsusuyod,
Isang kawal ng paggawang nakangiti kung mapagod;
Ang ararong aking ugit, paduhapang kung humagod,
Habang yaong kalabaw ko’y hinahabol sa pag-isod;
Diyan unang nadama kong ako’y anak sa pag-irog –
Sa pag-ibig ako’y pusong nalalaang pabusabos!

Sa may hulo ng bukirin, naroon ang isang sapa,
Pakiwal pang gumigilid sa pilapil na mahaba;
Doon ako nagsasakag ng pang-ulam na sagana,
Biya, hipon, hito’t dalag na sa putik ay naggala;
Bawat isdang mahuli ko ay parakip ng Bathala,
Kung tuhugin sa pagsuyo’y pumapalag na biyaya!

Sa duluhan, nar’on naman ang tumanang nakalatagl;
Ang pakwan, nakagapang, at ang milon, nakausad;
Kalabasa’y nanulay pa sa talusok na nagkalat
Sa alalay ng masamyo at mahinhing hanging-gubat;
Diyan ako pinagpala’t nagging ganap na mapalad,
Diyan kami nagsumpaan sa lilim ng isang balag!

At sa tabon – hayan lamang… hindi lubhang kalayuan,
Kung tanawin sa dampa ko: taas pantay-noo lamang;
Diyan unang iniyupyop ang mukha ng Inang Bayan,
Nang yurakan sa pahirap ng malupit na dayuhan;
Diyan manding tinanggap ko ang halik ng aking hirang
Nang itindig ko ang punit na bandilang aking tangan!

Isang tao, munting taong kaharia’y nasa bukid,
Ang maliit na bakura’y abot-tanaw ng silahis;
Kayamanan, isang kubong napupuspos ng pag-ibig;
Ang sagisag, isang tabak ni Solimang nagngangalit;
Maghapunan, sa katawan, dugong buhay ang natigis…
Munting tao, kung hamak man – yan ako, anakpawis!

Friday, August 3, 2012

Varyasyon ng Wika


1. Dayalek/ Dayalekto

    -pagkakaiba – iba o baryasyon sa loob ng isang particular na wika.

    -wikang sinasalita ng isang neyographical.

          Hal: pakiurong nga po ang plato (Bulacan – hugasan)

                 pakiurong nga po ang plato (Maynila – iusog)



2. Idyolek

    -nakagawiang pamamaraan sa pagsasalita ng isang individual o ng isang pangkat ng mga tao. ( uri ng wikang ginagamit at iba pa)

   -Individwal na estilo ng paggamit ng isang tao sa kanyang wika.

          Hal: Tagalog – Bakit?

                 Batangas – Bakit ga?

                 Bataan – bakit ah?



3. Sosyolek

   -baryasyon ng wika batay sa katayuan sa lipunan ng nagsasalita o sa pangkat na kanyang kinabibilangan.

   -may kinalaman sa katayuang sosyo-ekonomiko ng nagsasalita

          Hal: Wika ng mag-aaral

                 Wika ng matanda



4. Register

    -isang baryasyon sa wika na may kaugnayan sa taong nagsasalit o gumagamit ng wika.

    -mas madalas nakikita/nagagamit sa isang particular na disiplina.

    -pagkakaroon ng pagbabago ng wika sa taong nagsasalit o gumagamit ng wika ayon sa:

          a. Tono ng kausap o tagapakinig (tenor of discourse) – naaayon ang wika sa sino ang nag-uusap.

          b. Paksa ng pinag-uusapan (field of discourse) – batay sa larangan na tinatalakay at sa panahon.

          c. Paraan o paano nag-uusap ( mode of discourse) – pasalita o pasulat pagtalima sa mga panunturan dapat sundin batay sa uri ng piniling paraan ng pag-uusap.

Tungkulin ng Wika


Anu-ano ang mga tungkulin ng wika

Isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo ang komunikasyon. Ang araling pangkomunikasyon ang disiplinang pang-akademya kung saan pinag-aaralan ang pakikipagtalastasan.

Ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng pangungusap. Madaling maunawaan ang pangungusap kahit gaano pa kahaba o ano man ang anyo nito. Malinaw ito kaya madaling naiintindihan ng bumabasa o nakikinig ang kahulugan nito.

Pagpapaliwanag o pagpapaunawa ang tawag sa gawaing pangkaisipan upang matugunan ang pakikipagugnayang ginagamitan ng mga pananalita o mga hudyat o senyas ng kamay, maaaring kasabayan ng taong nakikipagugnanayan, o matapos ang bawat bahagi ng paglalahad ng taong nakikipagugnayan. Nagaganap ang pagpapaunawa sa pagitan ng dalawa, tatlo, o higit pang bilang ng mga tagapagsalita o tagapaglahad na hindi nakapagsasalita o nakasesenyas mula sa pinagmumulang wika.

Pagsasalitaan ang tawag sa isang paraan ng pakatuto. Nagpapalinaw ang usapan tungkol sa isang paksa sa pagsasaulo ng mga bagay. Sa pamamagitan ng salitaan ,nakapagpapalitan tayo ng mga kuro-kuro.

Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao.

Iba-ibat tungkulin ng wikang pilipino ayon sa eksaktong kahulugan.


1. Interaksyunal- nagpapanatili ng relasyong sosyal.

    halimbawa:

    pasalita: pangangamusta

    pasulat: liham pang-kaibigan



2. Instrumental- tumutugon sa mga pangangailangan.

    halimbawa:

    pasalita: pag-uutos

    pasulat: liham pang-aplay



3. Regulatori- kumukontrol/gumagabay sa kilos o asal ng iba.

    halimbawa:

    pasalita: pagbibigay ng direksyon

    pasulat: panuto



4. Personal- nagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon.

    halimbawa:

    pasalita: pormal o di-pormal na talakayan

    pasulat: liham sa patnugot



5. Imahinasyon- nagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan.

    halimbawa:

    pasalita: malikhaing pagsasabuhay/pamamaraan

    pasulat: mga akdang pampanitikan



6. Heuristic- naghahanap ng mga impormasyon o datos.

    halimbawa:

    pasalita: pagtatanong

    pasulat: survey



7. Informative- nagbibigay ng mga impormasyon.

    halimbawa:

    pasalita: pag-uulat

    pasulat: balita sa pahayagan

Teoryang Pangwika


A. Sosyoling wistikong teorya:

Ayon sa teoryang ito ay ang wika ay panlipunan at ang speech ay pang-indibidwal. Ayon kay Sapir, ang wika ay isang instrumento o kasangkapan ng sosyalisasyon. Ibig sabihn nito ay ang mga relasyong sosyal ay hindi iiral kung wala nito. Ayon naman kay Saussure, ang wika ay binubuo ng dalawang parallel at magkaugnay na serye, ang signifier(language) na isang kabuuang set ng mga gawaing pangwika na nagbibigay ng daan sa indibidwal na umintindi at maintindihan, at ang signified (parole).

Kaugnay sa teoryang ito ay ang ideya ng pagiging heterogenous ng wika dahil sa mga magkakaibang indibidwal at grupo. Pinaniniwalaan dito na ang wika ay hindi isang simpleng instrumento ng komunikasyon kundi isang pagsasama-sama ng mga anyo sa isang magkakaibang kultura. Dito ngayon lalabas ang tatlong anyo ng wika, ang idyolek, dayalek, at sosyolek.

B. Teorya ng akomodasyon:

Tinatalakay sa teoryang ito ni Howard Giles, ang linguistic convergence at linguistic divergence, Ang mga ito’y mga teorya mula sa SLA (second language acquisition). Tinatalakay ang teoryang ito Sa linguistic convergence sinasabin na nagkakaroon ng tendesiya na gumaya o bumagay sa pagsasalita ng kausap para bigyang-halaga ang pakikiisa, pakikilahok, pakikipag-palagayang-loob, pakikisama o kaya’y pagmamalaki sa pagiging kabilang sa grupo. Samantalang sa linguistic divergence sinasabing pilit nating iniiba o pilit tayong di-nakikiisa, o kaya’y lalong pagigiit sa sariling kakayahan at identidad.

Tinatalakay rin dito ang interference phenomenon at interlanguage. Ang interference phenomenon ay ang tumatalakay sa impluwensya ng unang wika sa pangalawang wika. Dito nabubuo, halimbaw, ang Taglish, Singlish, o kaya Malay English at marami pang iba dahil sa di-maiwasang pagpasok ng mga katutubong wika ng mga bansang nagging kolonya ng mga bansa na ang katutubong wika ay Ingles. Ang interlanguage naman ang tinatawag na mental grammar na nabubuo ng tao pagdating ng panahon sa proseso ng pagkatuto nya ng pangalawang wika. Halimbawa nito ang mga salitang madalas nating ginagamit, na dahil sa sobrang dalas ay nadadagdagan natin ito ng gamit (nominalisasyon). Dito ay binabago ng tagapagsalita ang grammar sa pamamagitan ng pagdaragdag, pagbabawas at pagbabago ng mga alituntunin.

Paghihiram ng mga salita


Walang salitang buhay na gaya ng Filipino ang puro. Dahil sa pagkakaiba-iba sa kultura ng mga bansa, may mga salitang banyaga na na hindi matatagpuan sa salitang Filipino kapag isinasalin. Sa pangyayaring ito, ang tanging magagawa ay manghiram o dili kaya ay lumikha ng bagong salita.

Walang masama sa panghihiram ng salita. Hindi naman kailangan pang humingi ng pahintulot sa bansang hihiraman na mga salita; hindi rin kailangan pang isauli ang salita pagktapos na hiramin hindi rin ito nakakahiya

Ayon sa pag-aaral:
Limang libong salitang kastila na hiniram sa Filipino.
Tatlong libong salitang malay.
Isang libo sa ingles at daan-daang mga salita rin ang hiniram natin sa Instik, Arabe, Sanskrito, Latin, Niponggo, Aleman, Pranses at iba pa.

Salitang teknikal at pang- agham ang una nating hinihiram.
Sa halip na lumikha tayo ng salita, hinihiram na lamang natin ang nga salitang ito.

May mga salitang panteknikal at pang-agham ang Maugnayang Pilipino na ginagamit sa pinatatanyag ng araneta university, subalit ang mga ito ay hindi itinatagubilin ng Komisyon ng Wikang Filipino kaya hindi palasak na ginagamit sa mga paaralan.

Bukod sa katotohanang ang wika ay nakasanding sa kultura, may mga salita rin na hango sa pangalan ng kilalang tao tulad ng voltage, watt at quixotic na tinatawag na eponym. Dahil dito, hindi lahat ng salita ay maaring bigyan ng salin at talagang hindi maiiwasan ang panghihiram ng mga salita lalu ang mga salitang agham at teknikal.

Kung susuriin natin, may dalawang paraan ng panghihiram ng salita ang umiiral.

1. Tuwirang Hiram - hinihiram ng buo ang salitang banyaga at inaangkop ang bigkas at ispeling sa ortograpiyang Filipino.

Halimbawa:

Barco - Barko
Antenna - Antena
Repollo - Repolyo
Silla - Silya
Piña - Pinya
Nitrogen - Naytrodyen
Phonology - Ponoloji
Produce - Prodyus
Chemistry - Kemistri

2. Ganap na hiram - dahil sa praktikalidad hinihiram ng buo ang salitang banyaga nang walang pagbabago sa anyo. Halimbawa ang mga salitang cake, ice cream, computer, door bell, humburger, physics, laser, atbp.

Noong mga nakakaraang panahon kapag nanghihiram ng salita, ang unang preperens ay Kastila sapagkat konsistent ang ispeling nito (Kastila) tulad ng Filipino. Ngunit ngayon, higit na pinipili ang Ingles.

Noon - Ngayon
Sorbetes - Ice cream
Klinika - Clinic
Laboratoryo - Laboratory/Laboratori
Sikolohiya - Psychology/Saykoloji
Kimika - Kemistri
Pisika - Physics
Ehinyero - Engineer

Halimbawa ng maugnayang Pilipino

Daktinig (mikropono)
Agsikap (inhinyero)
Miksipat (mikroskopyo)
Batidwad (telegrama)
Sipnayan (matematika)
Liknayan (pisika)

Dr. Alfonso Santiago ang nagtakda ng mga tuntunin o paran ng panghihiram sa Ingles sa aklat niyang “Sining ng Pananaliksik”.

1.) Paraan I. Pagkuha ng katumbas sa Kasti8la ng hihiraming salitang Ingles at pagbaybay dito ayon sa palabaybayang Filipino.

Halimbawa:
Liquid=liquido=likido
Cemetery=cementerio=sementeryo

2.) Paraan II. Kung hindi maaari ang paraan I (walang katumbas sa Kastila), hiramin ang salitang Ingles at baybayin sa palabaybayang Filipino.

Halimbawa:

Tricycle=trisikel
Truck=trak
Train=tren

3.) Paraan III. Kapag hindi maaari ang Paraan I at Paraan II, hiramin ang salitang Ingles at walang pagbabagong gawin sa pagbaybay.

Halimbawa:

Manila Zoo = Manila Zoo
Visa = Visa
Xylem = Xylem
Zygote = Zygote
Xerox = Xerox
Sandwich = Sandwich
Zamboanga = Zamboanga
Francisco = Francisco
Roxas = Roxas
Villiviza = nilliviza

Mga alituntunin hinggil sa mga bagong hiram na salita

Hinggil sa mga Bagong Hiram na Salita

1.1 Baybayin alinsunod sa paraan ng wikang Filipino ang mga bagong
Hiram na salita, maliban sa sumusunod na kaso:
    1.1.1 Pangngalang pantangi. Halimbawa, Victoria, Galicia, Washington Circle , Shinjuko, Czech, National Basketball Association, Halili Beer, Ma Mon Luk. 1.1.2 Teknikal o siyentipikong salita. Halimbawa, carbon dioxide, Chemotherapy, green house effect, pizzicato, sodium glumate, varicose, x-ray.

    1.1.3. Salitang may natatanging kahulugang pangkultura. Halimbawa, bolshoi, feng shui, geisha, gourmet, jazz, joie de vivre, kibbutz, mardi gras, pizza.

    1.1.4. Malayo na ang anyo sa orihinal kaya mahirap makilala o nagiging kakatwa ang anyo kapag binaybay sa Filipino. Halimbawa, “jeywoking” (jaywalking), “rendevu” (rendevous), “ispid” (speed), “ordev” (hors d’euvre), “feris wil” (ferris wheel), “pastits” (pastiche), “montadz” (montage), “tsokoleyt keyk” (chocolate cake).

    1.1.5. Kilala na sa orihinal at banyagang anyo ng mga hiram na salita. Halimbawa, box, cat, coke,duty-free, exit, faux pas, fax, fike, jai alai, jogging, mall, save, shabu, shop, stop, store, taxi, whisky, x-rated.
1.2 Sa pagbaybay ng mga salitang hiram na naglalaman ng alinman sa 11 tunog patinig sa Ingles, piliin ang pinakamalapit sa tunog at anyo ng palabaybayang Filipino. Halimbawa, drayb (drive), geyt (gate), istandardiseysiyon (standardization), layt (light).

1.3 Iwasan ang gitlapi kapag ginagamit na pandiwa ang mga hiram na salita at hindi binago ang baybay. Inihihiwalay ng gitling ang panlapi sa hiram na salita. Halimbawa, mag-delete, i-delete, nag-hot-oil, i-salvage, mag-email-han. Ngunit kung hindi maiwasan ang gitlapi, baybayin sa Filipino ang hiram na salita. Halimbawa, dumelit,hinat-oyl, sinalveyds, inimeyl.

Kautusan sa Pagsulong ng Wika


Ang sumusunod ay ibat- ibang kautusang ipinairal ng ating pamahalaan tungkol sa pagkasulong ng ating wika:

Nobyembre 1936- Inaprobahan ng Kongreso ang Batas Komonwelt Bilang 184 na lumikha ng Surian ng Wikang Pambansa na naatasang gumawa ng pag-aaral ng mga katutubong wika at pumili ng isa na magiging batayan ng wikang pambansa.

Disyembre 30, 1937 - Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ng Pangulong Quezon, ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog.

Abril 1, 1940 - Ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap na nagtadhana ng paglilimbag ng isang balarila at isang diksyunaryo sa Wikang Pambansa. Ipinahayag pa ring ituturo ang wikang pambansa sa mga paaralan sa buong Pilipinas na nagsimula noong Hunyo 19, 1940.

Hunyo 7, 1940 - Pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg. 570 na nagtadhana na simula sa Hulyo 4, 1946. Ang Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa.

Marso 26, 1954 - Nagpalabas ng isang kautusan ang Pangulong Ramon Magsaysay sa taunang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula sa Marso 29 - Abril 4. Subalit ang petsa ng pagdiriwang ay inilipat sa Agosto 13-19 tuwing taon.

Agosto 12, 1959- Tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa ng lagdaan ni Kalihim Jose Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Blg 7. Ayon sa kautusang ito, kaylaman at tutukuyin ang pambansang wika ay Pilipino ang gagamitin.

Oktubre 24,1967- Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang kautusang nagtatadhana na ang lahat ng mga gusali at mga tanggapan ng pamahalaan ay panganlan sa Pilipino.

Marso, 1968 - Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap, Rafael Salas, ang isang kautusan na ang lahat ng pamuhatan ng liham ng mga kagawaran, tanggapan at mga sangay nito ay maisulat sa Pilipino.

Agosto 7, 1973- Nilikha ng Pambansang Lupon ng Edukasyon ang resolusyong nagsasaad na gagamiting midyum ng pagtuturo mula sa antas elementarya hanggang tersyarya sa lahat ng paaralang pambayan o pribado at pasisimula sa taong panuruan 1974--75.

Hunyo 19, 1974 - Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura ang Kautusang Pangkagawaran Blg.25 para sa pagpapatupad ng edukasyong bilingwal sa lahat ng kolehiyo at pamantasan.

Pagkatapos ng Rebolusyon ng Edsa, bumuo muli ang pamahalaang rebolusyonaryo ng Komisyong Konstitusyonal na pinamunuan ni Cecilia Munoz Palma. Pinagtibay ng Komisyon ang Konstitusyon at dito ay nagkaroon muli ng pitak ang tungkol sa Wika:

Artikulo XIV - Wika

Sek. 6 - Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na Wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng Batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsad at paspasang itaguyod ang paggamit ng Pilipinas bilang midyum na opisyal na Komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.

Sek. 7 -Ukol sa mga layunin ng Komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at , hanggat walang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrelihiyon ay pantulong ng mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong sa mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod ng kusa at opsyonal ang Kastila ng Arabic.

Sek. 8 - Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.

Sek. 9 - Dapat magtatag ag Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba't ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanitili.

Agosto 25, 1988 - Ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 ay ipinalabas at nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino na nagtatadhana ng paglikha ng Komisyong Pangwika na siyang magpapatuloy ng pag-aaral ng Filipino. Gayon din, pinagtibay ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa mga paaralan sa mga piling asignatura.

Template by:

Free Blog Templates